Hindi ko sinasadya
Na nakita ko siya
Mahal naman kita
Pero mas mahal ko siya
Hindi ko sinasadya
Sa isip ko gusto naman kitang mahalin
Dahil labis-labis ang ibinigay mo sa akin
Walang pagkukulang
Ang katapatan mo sa akin lang
Lolokohin ko lang ang sarili ko
Kung ipagpapatuloy pa natin ito
Maawa ka naman sa sarili mo
Ikaw na ang pinagmumukang gago
At ayoko na magsinungaling
Iniisip ko siya kahit ikaw ang kapiling
Pagmamahal ko sa iyo unti-unting naglalaho
Dahil sa kanya
Wala na akong mabibigay sa iyo.
-Rona Aying Llanos©
